Skip to main content

Posts

Bulong sa Gitna ng Pandemya

 Nawalang ng pag-asa. Nagsawalang-kibo. Nanahimik. Napipi. Ang delubyong Digong. Sinabayan  pa ng veerus Humihigop sa katinuan. Nakakabahala. Nakakabaliw. Kaya- Pinili na magluksa. Ibaon sarili sa lumbay. Magpanday ng pader ng Kawalang-bahala. Pumili ng ibang kaulayaw- Sa piling ng mga halamang ligaw Sa mga basurang tinatapon. Sa mga walang pumapansin Natuyot na mga dahon Sa mga uod na kinakatakutan At kinasusuklaman. Sila’y iniintindi Binigyan ng puwang. Mga punlang inalayan ng panahon Unti-unting nagigising. Sa bawat talutot, Paglantad ng mga munting dahon Bawat pamumulaklak Sinasamyo halimuyak. Mga muni-muni’y Sinasaliwan ng mga himig Nina idol Gary, Koyang Jess Kasamang Seph at iba pa. Pusong nanlalamig ay pinapainit Ng umuusok at mapait na kape Nang mga magsasakang Wao Pinapasarap sa tagaktak ng pawis Ilang oras na pagsangag ni Markus. Sa pag-iisa, naririning at nanunuot sa kamalayan- Mga hinagpis Nina Titay Cio, Tim B, ng mga Fintailan at kabataan at ibang mga kasamang L...

Sa Pagitan ng mga Patlang

Sa pagitan ng mga patlang May mumunting sundot ng ngiti at tuwa Habang nakatunghay sa malamig na umaga Nababalot ng hamog ang kapaligiran Habang araw ay buong tapang Nagsaboy ng kanyang init Kahit hindi gaanong sumisigid sa kaibuturan Dama ang puno ng pagmamahal at pagpapala Sa puso ay pumukaw Nagdudulot ng ngiti sa mga labi Habang puso at kaluluwa Pinupunan ng init at pandama Salamat sa magandang umaga. Nakahimpil na trein, Schipol, NL 9:16 ng umaga 6 Oktubre 2018

Hanap

 Hinahanap hanap iyong mga labi at bisig Hayaang ito ang mangungusap Sa mga piping saloobin Di mabigyang laya Nitong bibig,ngunit kimkim ng dibdib Hinahanap hanap ang iyong mga haplos at yakap Upang pawiin mga pagkabalisa Dulot ng iba't-ibang alalahanin Sa tuwina naghatid ng ligalig Hinahanap iyong mahinahong bulong Nagpapayapa sa mga sigalot Sa kaibuturan Upang mga ito payapain. Hinahanap. Hinahanap hanap. 24 Agosto 2018 8:11PM Kutang Bato

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy   sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato

Ode to Mornings

...I listened to the murmurs of early morning the call to prayers of nearby mosques the sound of pots and pans clanging soon the sizzles of garlic and onion with their enticing smell spiced the air ...and through my window I see the tell tale signs of the sun slowly rising up the horizon majestically claiming its place bathing the Rio Grande with its soft warm glow as if to signal the boatmen to ferry eager people to start their day ...for a moment, time stood still then the loud engine of the small boats cut through the stillness of the water disturbing its placidity as its water sluiced through the cluster of water hyacinths dotting the expanse as if shooing it away ...then everything burst into a bustle of activity and so has this soul with a sleepy but contented smile burrowed deep into the mundane rhythm of everyday life. ...Cotabato has awaken to another new day. 20 August 2018 9:10AM, Cotabato City

Kanlungan

Nais ko na kumanlong sa iyong mga bisig Magtago sa magulong mundo Pansamantalang huhugot ng lakas Upang sa muling pagbalikwas Muling matapang at matatag. 11 Agosto 2018 1:21AM IC

Saklolo

Kailangan ko si PN Upang ako ay tubusin At bawiin Sa kinsasadlakan Kuko ng kalungkutan. Kailangan ibabad ang sarili Sa kanyang mga salita Umaasang ito Ay huhugas Sa pusong nababalot Ng luha at pighati. Kailangan ko ang mga titik Ng kanyang mga tula Nagpipinta ng mga masalimuot Ng mga araw araw na karanasan Maging kabiguan at kasawian ng puso Lalo na init ng mga pakikibaka At magpakalulong dito. Nais ko na balutin nito Ng buong buo Payapain ang balisang puso At iduyan sa mga berso at ritmo Hanggang mahimbing Upang sa pagising Maayos na muli Itong mundo. 8 Agosto 2018 CDO; 8:51PM

Mga Muni-Muni sa Bendum 2

Salamat at nasilayan Di lamang iisang tala Kundi di mabilang na kislap Muli ngiti sa aking labi Inyong hatid Salamat at hapdi at lungkot Dati nadarama Kahit paano ay napapawi Kahit nga patlang lamang ang nadarama Inaaninag sa kalangitan Ang bituin May konting lungkot Dahil di na kilala Nitong nilalang na dating kaulayaw Pero alam ko, ika'y andiyan Patuloy na kumikislap Kasama ng ibang libong mga tala Di man kita makilala muli Pero may saya pa rin na dulot Nitong pusong nangungulila Parang nanumbalik Ang dating bulong... Sana kaisa ng aking kaluluwa Saan man siya naroon Siya ay nasa mabuting kalagayan Ang aming landas kaya ay magtatagpo...? O di kaya'y nakatadhana Kami ay magkaiba ang landas...? Sana nakasulat sa mga pahina ng tala ng buhay Pagtatagpo at pag-iisa Kundi man ito mangyari Sana bawat isa ay maging makabuluhan Ang buhay dito sa mundong ibabaw... 8 Hulyo 2016 Bendum, Bukidnon

Mga muni-muni sa Bendum 1

Sana mabaon ko Ang huni ng mga kuliglig Ang liwanag ng mga alitaptap Sana maulinigan muli Kahit bulong ng mga ito At madama init Dala ng mga kulisap na maririkit Subalit nanganganib Mga kaibigang maliliit Habang mundo'y umiinit. 8 Hulyo 2016 Bendum, Bukidnon

Sa Apat na Sulok

Ngayong gabi Dito sa apat na sulok Ito ang kabuuan ng ating mundo Sa piling ng makukulay na obra At mga talinghaga Gising ang kamalayan Maging ang pandama Kinikilala ang isa't isa Inaarok ang nadarama Sa mapusyaw na ilaw At nakakahipnotismong patak ng ulan Maging hanging pilit makikiisa Sa apat na sulok Ibinahagi Mga dalamhati Alalahani't mga kaba Mga saya at tuwa Maliliit na tagumpay Sa mga pakikibaka Kapwa nag alay ng dalangin Sana bawa't isa Babantayan at pagpalain Mapagkalingang kamay Ng sansinukob. Sa panandaliang pag-iisa Ng damdamin at kamalayan Pansamantalang idinugtong Mga landas na di tahasang nagtatagpo Kahit nga patutunguhan ay maaring iisa Sa apat na sulok Panatag Nahimlay sa bisig ng bawat isa Nakahanap ng kakampi at kasama Sa mga bulong at haplos Sa mahihigpit na yakap. Maging hawak ng mga kamay. Ito'y ipinapaabot. Subalit, Dito sa apat na sulok Mundo'y manatili...

Panandaliang mga Sandali

Magkaibang mundo Ngunit magkatulad Isang masalimuot Isang makulay Nagsasalita mga bibig Maging mga titig Ilang sandali Pilit binubuhos Saya,pait, luha Mga nais At pangamba Pinipigilan Kamay ng oras Pansamantala itigil Upang pagsaluhan Sandali ng pagkikilala Diyatat Di madudugtungan Dahil dala ng pagluwal ng bukang liwayway Ang katotohanan Kapwa may tali Di makaalpas. Ninais na huwag humulagpos Kukuyumin sa mga palad At sa puso ibibilanggo Ngunit sadyang may mga bagay Darating ng kusa At kusang umaalis Katulad ng hangin At along bumibista sa dalampasigan Ahh, nais magtanong Sa sansinukob Bakit hinayaang magtagpo. ang masalimuot at makulay Gayong ito'y di maaring mag-ugnay... 21 Hulyo 2018 Kalakhang Maynila

Ningas

Hindi na ramdam Ang dating init at lagablab Ng puso at diwang nakikibaka Tila ba sinabuyan ng tubig At ibinaon sa yelo Dating naghihimagsik na kaluluwa Ngayon, ito'y tila malabnaw Na sumisigaw Wala ang dating sigla At sidhi ng pagnanais na umalpas Sa mapang alipusta. Tila nahihimbing Gayong hindi naman tulog Nakakadama, Pero halos di natitinag Umaalpas, subalit puso'y manhid. Gayunpaman, naghihintay Damdamin ay muling mapukaw Sidhi ng pagbabalikwas Muling mangingibabaw Ngayon- Aalagaan ang mga munting sundot Dahan-dahang hipan ang mga uling Hayaan na lamunin muli Puso at kaluluwa Sa apoy ng pakikibaka. ika-20 ng Hunyo 2018 Mga panganorin mula gitnang pilipinas hanggang katimugan

Alaala ng Kahapon

Ayaw kitang alalahanin Matagal na kitang limot Nagpatuloy na sa pag inog Mundo na dati tinawag na atin Ngunit, Sa tuwina,may munting mga bagay Sa akin nagpapaalala Katulad na lamang ni Sting Una sa Pransya,ngayon naman sa Alemanya Ni hindi ko alam kanyang mga kanta Ngunit sa kanyang "fields of gold" Hinila pabalik sa iyo... Ang mga maiikling mensahe Nanghahalina Sa mga munting bagay dati pinagsasaluhan Pinapaala dating samahan Maging mga kumportable  At di kumportableng katahimikan Sa pagitan ng bawat Paghigop at paglagok ng kape Sayo na matamis At akin na mapait... Maging ang tala at buwan Kahit liwanag ay aandap andap Sa gitna ng taglamig at tag ulan Pilit nagliliwanag Upang puso at katawang balot sa lamig Nabibigyan ng init Katulad ng dati Ngiti hatid sa aking labi.. Maari nga na ikaw ay kalahati ng kaluluwa Kahit sa malayo,kahit di nakikita Kaulayaw ng gunita Ngunit- Hanggang dito na nga lang ...

Goodbye 2017, Hello 2018

2017 passed me by. It has ended before I managed to fully take stock of my life and happenings around me. It went through like a whirlwind, leaving me stun and hanging… The past year maybe a whirl but it leave its footprints. And what footprints they were. Marawi crisis, martial law in Mindanao, militarization, IP killings and systematic attacks on our democratic rights not to mention natural disasters. On the   personal level, I made more connection with my family, contributed to a collaborative book, distance myself from the noise of the "outside world" and spend more time grounding and immersing myself in communities of struggles. While I was struggling to make sense of my life, the world has not stopped to help me figure it out. It clawed at me, waking me up from my stupor. I have already figured out a long time ago that I cannot live for myself alone. I cannot be someone with no accountabilities nor only think of mysel. The past couple of years have been that. A...

I Stand WIth Marawi

More than two months into the Marawi crisis, government troops are still employing daily airstrikes to flush out the local terrorists. The 60-day Martial law declaration which was declared by President Duterte on the same day the siege started have been extended to five months, that is, until the end of December this year. The initial declaration was upheld by the Supreme Court with a vote of 11-3-1. Eleven fully supported the declaration, three limiting it to Marawi only, and one lone dissenter, Associate Justice Marvic Leonen nullyfing the declaration as without legal grounds. The Supreme Court's decision have buttressed the Chiefs of Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police's proposal to recommend the extension of Martial Law until Marawi City is rebuilt. So, when President Duterte wrote a proposal to Congress to extend Martial LAw, it was no surprise that both houses of Congresses readily supported the Preident's proposal.  Meanwhile, almost h...
Pagluluksa Ilang beses tastasin ang mga sugat di lubusang naghihilom pinahiran pa ng asin at inebre upang muling kumirot at magnanaknak Diyatat, mga taong uhaw at ganid sa kapangyarihan di magkasyang sambayanan nangisay sa kinalugmukan nais pa na pitpitin at apakan upang muli di makabangon at pilit ipinabaon sa limot kanilang kawalanghiyaan Hayok sa kapangyarihan Magnanakaw sa kaban ng  bayan Berdugo. Mangingitil ng buhay. Ninakaw pati hustisya sa mga biktima ng diktadurya Ngayon, muling panakaw tumakbo at sa lupang libingan mga katawan at ala-alala ng mga nag-alay ng buhay para sa bayan pilit nakisiksik at sarili man pinarangalan bilang bayani. Pumaalinlang Mga tangis at palahaw Sambayanang sinupil noon. Susupilin muli ngayon. Ngunit pagkatapos ng mga luha. Ng kirot, ng hapdi Ng pag-alipusta Sambayanan babangon sa kinalugmukan. Kailanman hindi na pagagapi. 2:42 ng hapon ika-18 ng Nobyembre 2016 Q.C.
Balik-Tanaw 2 Mukhang nahihibang Maging kanta ni Billy Joel Bigla pumukaw Sa isang magandang nakaraan Ang mga kanta Ni Gary, Noel, Joey Ng Patatag Ng Rosas ng Digma Ni JT Ni Billy Joel At ng iba pa. Malalim, mababaw. Ang mga tula Bunsod ni Pablo Neruda At ng mga makata Sa kanilang mga titik at pangungusap Nagdadala gaya ng mga kanta Himig ng pag-iisa, Paghihimagsik Pakikibaka. Mga pangyayari Kaguluhan Nakakatuwa. Nakakalungkot. Nakakapag-isip. May mga walang kwenta. Basta lang. Mga paglalakbay Sa itaas ng mga panganorin. Sa mga talahiban. Sa mga batis. Sa mga sementadong gubat. Sa mga pawas. Sa ilalim ng buwan at mga tala. Bumabalik muli Muling napangiti. Ahhh, kailangan balikan. At makipagkasundo. Sa nakaraan. 11:07 ng umaga ika-16 ng Nobyembre Q.C

Snippets of Inspiration

This morning I was walking along Kalayaan Avenue, engrossed with thoughts of how to give flesh to a project paper due the next day. I have had trouble concentrating with so many disappointing events in and outside the country amidst other concerns. Yet, something caught my eyes cutting through the morass of my musings. I passed through this area so many time and never noticed the green vegetation hanging on the wall. Or, maybe I noticed the potted plants. But, what I didn't noticed were the other plants seemingly similar to the others, yet different. With my myopic eyes I peered closer. What I saw made me smile. There are vegetables planted in containers popularly known as container urban gardening. The space is quiet narrow, yet, whoever planted these vegetables maximimized the small space and made use of urban container gardening technology. I peered at all the green vegetables: alugbati, string beans, kamote tops, pechay, mustard, ampalaya, patola, and malunggay. Some o...