Skip to main content

Posts

Rudderless When I came to Costa Rica more than eight months ago, I have mixed feelings. I knew I was embarking on a new journey, a journey that is still very much related to the realities that I left behind. I feel like I was a soulless being, with my heart and soul left back home to everything I considered as my life. Then I began my journey. I meet people. I came to know some of their life stories. Some made profound connections, some were mere faces and acquaintances. I thought I knew about life. Of human interactions and relationships.Of everyday giving and taking. I thought my mind was like a parachute that functions best when it is opened. Then it struck me. I maybe experience in so many things but these experiences have not given me enough wisdom. I fail in some of my human interactions. I thought if I give constantly, it would be enough. But then, I also have to take what is given back to me, and with that giving and taking, you have to take responsibility. ...

Lumbay

bakit tuwing puso ay nagigising ito ay muling malumbay bakit sansaglit lang ng ligaya ngayon alipin na muli ng pighati puso'y nagtatanong kailan kaya ito mapapawi... pagod na ang puso tahimik na pananangis nawa ay mapapalis upang puso'y  makapagpahinga. CC,CR 6april 2016
Mamamayang binaon sa limot Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Nagsumikap buhay ay mapaunlad Kahit kinalimutan ng estadong Siyang nararapat mangangalaga Maraming beses na inalispusta Sa lipunan itinatwa Sila daw ay mangmang at walang alam Kaya't lupain kinamkam At buhay man kinitilan Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit bumabangon At namuhay ng payak at may dignidad Kahit sa limot pilit binabaon Sa loob ng kanilang mga kumunidad Na ilang henerasyon  Minana sa kanilang mga ninuno Kultura, tradisyon, panininwala At sariling pagpapasya ay nilagom Subalit, Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit hinihiwalay Ng mga armado at militar Maging ng mga batas na nagtatanggal Sa kanilang pagkakakilanlan at karapatan Sa kanilang lupaing ninuno. Darating ang araw Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Ay babalikawas sa kinalugmukan Kamao ay itaas At lalaban Sa mapang- api at mangangamkam. *Ang tulan...
Kambal ng Lumbay Umusal ng dalangin sa hangin ibinulong Pasalamat at minsan naging saya ng puso  at kaluluwa. Sa araw na ito saan nagtitipon buwan at mga tala Sa iyo'y magpapaalam. Kapag landas muling magtatagpo kahit pa sanlibong taon hiling ng puso'y limutin at hayaan sa lumbay.
Pangulila Sa iyong pagdating at kusang pag alis Dala’y tuwa at lumbay Sa saglit na ikay makapiling at kaulayaw Katumbas ay panglaw ng paghihiwalay Siya nga ika’y mabining dumadating Ngunit bawat pag alis sa pusoy tumitining Tinatak sa isipan Sa tuwing aalis, ika’y babalik Subalit dadating ang unos Bagyong kasing tayog Tayo’y malulunod Pagtila ng higanteng alon Akoy andito pa rin Nakaantabay sa muling pagdating Umaasang ang amihan Sa iyo Maghahatid muli sa akin… Gumasa 31 Enero 2015

Sisid

Ika'y pumapalaot sa kalawakan Pumapaimbulog sa mga ulap Ng paghihimagsik at pakikibaka Kasabay ng mga kasama Na puso'y puno ng alab Sa pagbabagong sinisinta Sa inyo'y nakatingala Umaasang sa inyong paglipad ay nakakasabay Subalit habang kayo'y patuloy na pumapaimbulog Ako naman ay lalong sumisid Sa kailaliman ng dagat Pilit inaarok ang lalim nito Ngunit bakit sadyang ito'y di  abot At ako'y nalulunod sa hampas ng mga alon Pilit humuhulagpos Subalit nababaon Sa pagtingala Nasulyapan, isang malaking ibon Na mga kukong matatalim Napuno ng pangamba ang puso Subalit tila nahipnotismo At inabot mga kamay dito.... Nais kong ako'y iyong saklutin Agawin sa kuko ng mapangahas na ibon Isama sa inyong paglipad Sa kalawakan At mamayani muli Sa puso at diwa Apoy ng pakikibaka. Baler,Aurora 1:54  ng hapon 11 ng Setyembre 2013...

Sa Dako Pa Roon

Ilang sangang daan kailangan tatahakin Ilang bundok kailangan akyatin Ilang karagatan kailang tawirin Upang ika'y marating...? Ang puso'y bulag na naghahanap At ang kaluluwa'y tigmak ng pananabik At pag- alala Ikaw kaya ay madatnan....? Sa dako pa roon ng aking paglalakbay Sa pag-iisa Tila tukso sa gunita Pinupuno ang puso ng agam agam Natatakot sumuong sa lambong Ng bukas Ikaw kaya madatnan...? Sa dako pa roon... Sa dako pa roon... Umaasa na di lamang ika'y masilayan Kundi ang matagal na hinanahanap at sa wakas hihimlay sa kandungan Ng kalayaan....