Kambal ng Lumbay Umusal ng dalangin sa hangin ibinulong Pasalamat at minsan naging saya ng puso at kaluluwa. Sa araw na ito saan nagtitipon buwan at mga tala Sa iyo'y magpapaalam. Kapag landas muling magtatagpo kahit pa sanlibong taon hiling ng puso'y limutin at hayaan sa lumbay.