Skip to main content

Posts

Showing posts with the label hustisya

Isang taon ng Hinagpis at Pagluluksa, Katarungan nasaan na?

Ika-23 ng Nobyembre. Ito’y araw na nakaukit sa ating madilim na kasaysayan sa isang bansang tinaguriang isang demokrasya.  Ang petsang ito ay nakabaon sa kamalayan hindi lamang ng mga pamilya ng biktima ng karumal dumal na krimen ng binansagang “Ampatuan Masscare” kundi pati na rin ng mga ordinaryong mamamayan na naghahangad ng katarungan.  Isang taon ng pagdadalamhati at pagluluksa. Isang taon na pakikibaka upang makamit ang minimithing hustisya, subalit bakit sadyang napakailap nito? Limampo’t walo (58) ang naging biktima ng masaker na ito, mga manunulat, peryodista, brodkaster, abugado, asawa,kapatid, ina at ama. Sila ay walang awang pinaslang ng mga taong halang ang kaluluwa. Isa dito ay hanggang ngayon ang katawan ay hindi pa rin natagpuan. Ang mga primerong akusado sa nasabing krimen ay kasalukuyan nasa piitan at kinakaharap ang iilang bilang ng kasong pagpatay. Sabi nga ng iba ito’y isang kapanalunan na sapagkat hindi na rin mabilang ang kasaong pagpatay s...