Mananangis na lang ba...? Naririnig mga hikbi Paisa-isa, palakas ng palakas Hanggang sa maging mga palahaw Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa. Noon- Marami sa mahal sa buhay nawala Naglaho na parang bula Di mahagilap pagkatapos dakpin ng mga taong bibit ay sandata. Marami ang pinarusuhan Kinulong sa madilim na kulungan Tinortyur.. Nilapastangan katawang lupa at higit na ang diwa at kaluluwa Ng mga kabataan, pari, madre, guro, magsasaka, mangagawa at iba. Mga mukhang walang pangalan. Tanging kasalanan: Pilit umalpas sa mga kadenang gapos ng pang-aapi at pang-alipusta Ng diktadoryang gahaman sa kapangyarihan at karangyaan. Libo-libong buhay ang kinitil. Libo-libong buhay ang nawala. Milyon-milyong buhay sinira. Maging ng mga isisilang pa. Ngayon- Multo ng kahapon Sa sambayanang hati Ay humahabol Pilit winawaksi Sa kolektibong diwa ang sugat at pilat ng madilim na kahapon Upang sambayanang nasa bingit ng limot Magkaisa at sugat tuluyan ng maghih...