Mananangis na lang ba...?
Naririnig mga hikbi
Paisa-isa, palakas ng palakas
Hanggang sa maging mga palahaw
Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa.
Noon-
Marami sa mahal sa buhay nawala
Naglaho na parang bula
Di mahagilap pagkatapos dakpin
ng mga taong bibit ay sandata.
Marami ang pinarusuhan
Kinulong sa madilim na kulungan
Tinortyur..
Nilapastangan katawang lupa
at higit na ang diwa at kaluluwa
Ng mga kabataan, pari, madre, guro, magsasaka, mangagawa at iba.
Mga mukhang walang pangalan.
Tanging kasalanan:
Pilit umalpas sa mga kadenang gapos
ng pang-aapi at pang-alipusta
Ng diktadoryang gahaman sa kapangyarihan
at karangyaan.
Libo-libong buhay ang kinitil.
Libo-libong buhay ang nawala.
Milyon-milyong buhay sinira.
Maging ng mga isisilang pa.
Ngayon-
Multo ng kahapon
Sa sambayanang hati
Ay humahabol
Pilit winawaksi
Sa kolektibong diwa
ang sugat at pilat ng madilim
na kahapon
Upang sambayanang nasa bingit ng limot
Magkaisa at sugat tuluyan ng maghihilom.
Maghihilom nga kaya
at may espasyo kaya ng pagkakaisa...?
Habang ang mga sakit, kawalan ng hustiisya
Paghubad sa dignidad ng sambayanan
Ay muling pinamukha
Pinadama.
Mga pilat, muling naging mga sugat.
Marubdob na nagdurugo.
Nadarama ng sentido
Maging ng puso.
Naririnig mga hikbi
Paisa-isa, palakas ng palakas
Hanggang sa maging mga palahaw
Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa.
Mananangis na lang ba...?
alas 12:54
ika 9 ng Nobyembre
ADMU
Naririnig mga hikbi
Paisa-isa, palakas ng palakas
Hanggang sa maging mga palahaw
Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa.
Noon-
Marami sa mahal sa buhay nawala
Naglaho na parang bula
Di mahagilap pagkatapos dakpin
ng mga taong bibit ay sandata.
Marami ang pinarusuhan
Kinulong sa madilim na kulungan
Tinortyur..
Nilapastangan katawang lupa
at higit na ang diwa at kaluluwa
Ng mga kabataan, pari, madre, guro, magsasaka, mangagawa at iba.
Mga mukhang walang pangalan.
Tanging kasalanan:
Pilit umalpas sa mga kadenang gapos
ng pang-aapi at pang-alipusta
Ng diktadoryang gahaman sa kapangyarihan
at karangyaan.
Libo-libong buhay ang kinitil.
Libo-libong buhay ang nawala.
Milyon-milyong buhay sinira.
Maging ng mga isisilang pa.
Ngayon-
Multo ng kahapon
Sa sambayanang hati
Ay humahabol
Pilit winawaksi
Sa kolektibong diwa
ang sugat at pilat ng madilim
na kahapon
Upang sambayanang nasa bingit ng limot
Magkaisa at sugat tuluyan ng maghihilom.
Maghihilom nga kaya
at may espasyo kaya ng pagkakaisa...?
Habang ang mga sakit, kawalan ng hustiisya
Paghubad sa dignidad ng sambayanan
Ay muling pinamukha
Pinadama.
Mga pilat, muling naging mga sugat.
Marubdob na nagdurugo.
Nadarama ng sentido
Maging ng puso.
Naririnig mga hikbi
Paisa-isa, palakas ng palakas
Hanggang sa maging mga palahaw
Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa.
Mananangis na lang ba...?
alas 12:54
ika 9 ng Nobyembre
ADMU
Comments
Post a Comment