Skip to main content

Oda sa mga lumisan na kaibigan



Puso’y nanimdim
Diyata’t mga kaibigan
Sa mundo ng mga buhay
Unti-unting lumisan

Una,si Tatay Boning
Di tunay na ama
Subalit sa akin
Nais maging…

Pangalawa,si Manong Jun
Katulad ni Tatay Boning
Isang inspirasyon
Sa mga katulad ko
At marami pang iba
Nais makibaka magkaroon
Ng mundong masagana,
Mapayapa at Malaya

Ngayon, si Bai Helen
Isang ina at asawa
Iilang beses lamang nakasalamuha
Ngunit naaninag ko na
Katapatan, mababang kalooban
At matiim na paniniwala sa kanyang maylikha
Pinaubaya sa amin kanyang tahanan
Naging pugad ng pagmamahalan at pundasyon
Ng kanyang pamilya

Kay ikli ng panahon
Kayo ay naging bahagi ng buhay
Parehong iginupo ng kanser
Inyong mga katawang lupa
Subalit kayo ay nanatiling matatag
Hindi alintana sariling sakit
Upang inyong mahal sa buhay
Gabayan kahit sa gitna ng dalamhati

Sa inyo,mga kaibigan
Isang mapayapang paglalakbay
Sa dako pa roon,
Saan ang lahat ng lungkot, pait, at sakit
Napaparam
Kasama ang maylikha

Maraming salamat
Sa regalo ng inyong buhay
Sa pagkakataon
Kayo ay nakilala
At naging mga kaibigan

Hanggang sa muling pagkikita
at pagsasama.

Paalam.


20 Mayo 2010
3:02 ng hapon
Kutang Bato




Comments

Popular posts from this blog

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Pag-iisang Dibdib

Tahimik ang gabi Piping nangugusap Bawat galaw ng mga dahon Naglalambing sa dampi ng masuyong hangin   Dama patak ng hamog Sa mga dahon ng punong-kahoy Habang mahigpit na nakatiklop Mga talutot ng bulaklak Nakikinig,mabining sumasayaw Kaulayaw ng hanging mapanghalina   Mukhang nahimbing ang daigdig Mga alalahanin at pagkabalisa Pansamantalang naipahinga At kamalayan ay pumaalinlang   Nagtatagpo dalawang kaluluwa Nagsanib puso at kamalayan Ipinagdiwang pag-iisang dibdib Pag-iisa ng mga kaluluwa   Sabay na naglawig Nagpapalaot sa mga alon ng mga ala-ala Unang pagtatagpo, unang pagsinta Binabalikan mga yugto nagluwal ng pagsasama Nang pag-iisa   Saksi ang buwan Mga bituin sa kalangitan Ang mga panganorin Nakikipagsaya, nakiisa Maging ang ulan ay nagpaubaya Buong gabi hinayaan buwan at mga tala Magningning, kikislap ng kaysaya May mga salitang namutawi sa mga labi Subalit...
Pangulila Sa iyong pagdating at kusang pag alis Dala’y tuwa at lumbay Sa saglit na ikay makapiling at kaulayaw Katumbas ay panglaw ng paghihiwalay Siya nga ika’y mabining dumadating Ngunit bawat pag alis sa pusoy tumitining Tinatak sa isipan Sa tuwing aalis, ika’y babalik Subalit dadating ang unos Bagyong kasing tayog Tayo’y malulunod Pagtila ng higanteng alon Akoy andito pa rin Nakaantabay sa muling pagdating Umaasang ang amihan Sa iyo Maghahatid muli sa akin… Gumasa 31 Enero 2015