Skip to main content

Posts

Showing posts with the label anthology of rage
Mamamayang binaon sa limot Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Nagsumikap buhay ay mapaunlad Kahit kinalimutan ng estadong Siyang nararapat mangangalaga Maraming beses na inalispusta Sa lipunan itinatwa Sila daw ay mangmang at walang alam Kaya't lupain kinamkam At buhay man kinitilan Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit bumabangon At namuhay ng payak at may dignidad Kahit sa limot pilit binabaon Sa loob ng kanilang mga kumunidad Na ilang henerasyon  Minana sa kanilang mga ninuno Kultura, tradisyon, panininwala At sariling pagpapasya ay nilagom Subalit, Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit hinihiwalay Ng mga armado at militar Maging ng mga batas na nagtatanggal Sa kanilang pagkakakilanlan at karapatan Sa kanilang lupaing ninuno. Darating ang araw Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Ay babalikawas sa kinalugmukan Kamao ay itaas At lalaban Sa mapang- api at mangangamkam. *Ang tulan...

Masalay

Masalay,Ampatuan,Maguindanao Malaparaiso ka kung tingnan Napapalibutan ng luntiang kabundukan Datapwat kabahagi ka rin Ng lupaing ninuno ng mga tribung Teduray-Lambangian Napakalawak ng abot ng paningin Habang nakatayo sayong bulubundukin Tila hinihele sa mapang-akit na sayaw ng mga talahib At malamig na samyo ng hangin- Subalit noong Nobyembre 23,2009 Pinunit ang iyong katahimikan- Ng mga hiyaw at palahaw ng pagsusumamo Ng ratatat ng mga makapangyarihan na armas Ng mga saksak na tumatagos sa malambot na laman Na hatid pawang walang kasintinding sakit At kamatayan Katawan dito. Katawan doon. Ng mga peryodista,brodkaster,mamahayag,abogado, ina,ama,asawa,kapatid at anak Walang awang pinagtatapon. Ibinaon. Karumal-dumal na krimen Pilit pinagtakpan Ng mga buwitreng Nag-aastang panginoon Kaya- Paano ko titingnan Ang iyong kabundukan Na hindi marinig alingawngaw Kanilang mga hiyaw? Paano maibalik Dating kata...