Skip to main content
Mamamayang binaon sa limot

Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa
Nagsumikap buhay ay mapaunlad
Kahit kinalimutan ng estadong
Siyang nararapat mangangalaga

Maraming beses na inalispusta
Sa lipunan itinatwa
Sila daw ay mangmang at walang alam
Kaya't lupain kinamkam
At buhay man kinitilan

Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa
Pilit bumabangon
At namuhay ng payak at may dignidad
Kahit sa limot pilit binabaon

Sa loob ng kanilang mga kumunidad
Na ilang henerasyon 
Minana sa kanilang mga ninuno
Kultura, tradisyon, panininwala
At sariling pagpapasya ay nilagom

Subalit,

Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa
Pilit hinihiwalay
Ng mga armado at militar
Maging ng mga batas na nagtatanggal
Sa kanilang pagkakakilanlan at karapatan
Sa kanilang lupaing ninuno.

Darating ang araw
Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa
Ay babalikawas sa kinalugmukan
Kamao ay itaas
At lalaban
Sa mapang- api at mangangamkam.

*Ang tulang ito ay kabahagi sa "Anthology of Rage: Lumad, Poems and Stories", isang koleksyon ng mga tula at kwento alay sa mga Lumad ng Mindanao na nakakaranas ng militarisasyon sa loob ng kanilang mga lupaing ninuno.


Comments

Popular posts from this blog

Goodbye 2017, Hello 2018

2017 passed me by. It has ended before I managed to fully take stock of my life and happenings around me. It went through like a whirlwind, leaving me stun and hanging… The past year maybe a whirl but it leave its footprints. And what footprints they were. Marawi crisis, martial law in Mindanao, militarization, IP killings and systematic attacks on our democratic rights not to mention natural disasters. On the   personal level, I made more connection with my family, contributed to a collaborative book, distance myself from the noise of the "outside world" and spend more time grounding and immersing myself in communities of struggles. While I was struggling to make sense of my life, the world has not stopped to help me figure it out. It clawed at me, waking me up from my stupor. I have already figured out a long time ago that I cannot live for myself alone. I cannot be someone with no accountabilities nor only think of mysel. The past couple of years have been that. A...

Sa Pagitan ng mga Patlang

Sa pagitan ng mga patlang May mumunting sundot ng ngiti at tuwa Habang nakatunghay sa malamig na umaga Nababalot ng hamog ang kapaligiran Habang araw ay buong tapang Nagsaboy ng kanyang init Kahit hindi gaanong sumisigid sa kaibuturan Dama ang puno ng pagmamahal at pagpapala Sa puso ay pumukaw Nagdudulot ng ngiti sa mga labi Habang puso at kaluluwa Pinupunan ng init at pandama Salamat sa magandang umaga. Nakahimpil na trein, Schipol, NL 9:16 ng umaga 6 Oktubre 2018

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy   sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato