Berdugo Araw araw may bumulagta Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Minsan sampu Minsan higit pa Bago pa man matapos Isang buwan Bilang ay kahindik hindik na ng mga nakahandusay At tinatapon sa mga pusali at kanal Kalimitan mga nakabulagta Mga tatay, asawa, kasama na sa araw araw nagbabanat buto upang mabuhay kahit sa isang kahig at isang tukang pamumuhay Minsan ang nakahandusay at nakabulagta Isang nanay, asawa at kaagapay sa buhay Ng mga maralitang taga lungsod pilit nakikisabay sa agos ng buhay May mga panahon nakabulagta at nakahandusay mga kabataan at mga batang paslit Nagsisimula pa lamang sa buhay kung saan itong gyera sa kanilang pangalan inaalay para sa kanilang magandang bukas Ngunit silang lahat binawian na ng buhay At marami pa ang kasunod Habang ang mga berdugong uhaw sa dugo at bulag na sumusunod sa Panginoong may hawak ng kapangyarihan Hindi pa nagsasawa. Marami pa ang bubulagta Walang buhay. 10:30 ng umaga 7 Agosto 2016 QC...