Skip to main content
Berdugo

Araw araw may bumulagta
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...
Minsan sampu
Minsan higit pa
Bago pa man matapos
Isang buwan
Bilang ay kahindik hindik na
ng mga nakahandusay
At tinatapon
sa mga pusali at  kanal

Kalimitan mga nakabulagta
Mga tatay, asawa, kasama
na sa araw araw
nagbabanat buto upang mabuhay
kahit sa isang kahig at isang tukang pamumuhay

Minsan ang nakahandusay at nakabulagta
Isang nanay, asawa at kaagapay sa buhay
Ng mga maralitang taga lungsod
pilit nakikisabay sa agos ng buhay

May mga panahon
nakabulagta at nakahandusay
mga kabataan at mga batang paslit
Nagsisimula pa lamang sa buhay
kung saan itong gyera
sa kanilang pangalan inaalay
para sa kanilang magandang bukas

Ngunit silang lahat binawian na ng buhay
At marami pa ang kasunod
Habang ang mga berdugong uhaw
sa dugo at bulag na sumusunod
sa Panginoong may hawak
ng kapangyarihan
Hindi pa nagsasawa.

Marami pa ang bubulagta
Walang buhay.

10:30 ng umaga
7 Agosto 2016
QC

Comments

Popular posts from this blog

Oda sa mga lumisan na kaibigan

Puso’y nanimdim Diyata’t mga kaibigan Sa mundo ng mga buhay Unti-unting lumisan Una,si Tatay Boning Di tunay na ama Subalit sa akin Nais maging… Pangalawa,si Manong Jun Katulad ni Tatay Boning Isang inspirasyon Sa mga katulad ko At marami pang iba Nais makibaka magkaroon Ng mundong masagana, Mapayapa at Malaya Ngayon, si Bai Helen Isang ina at asawa Iilang beses lamang nakasalamuha Ngunit naaninag ko na Katapatan, mababang kalooban At matiim na paniniwala sa kanyang maylikha Pinaubaya sa amin kanyang tahanan Naging pugad ng pagmamahalan at pundasyon Ng kanyang pamilya Kay ikli ng panahon Kayo ay naging bahagi ng buhay Parehong iginupo ng kanser Inyong mga katawang lupa Subalit kayo ay nanatiling matatag Hindi alintana sariling sakit Upang inyong mahal sa buhay Gabayan kahit sa gitna ng dalamhati Sa inyo,mga kaibigan Isang ma...

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Masalay

Masalay,Ampatuan,Maguindanao Malaparaiso ka kung tingnan Napapalibutan ng luntiang kabundukan Datapwat kabahagi ka rin Ng lupaing ninuno ng mga tribung Teduray-Lambangian Napakalawak ng abot ng paningin Habang nakatayo sayong bulubundukin Tila hinihele sa mapang-akit na sayaw ng mga talahib At malamig na samyo ng hangin- Subalit noong Nobyembre 23,2009 Pinunit ang iyong katahimikan- Ng mga hiyaw at palahaw ng pagsusumamo Ng ratatat ng mga makapangyarihan na armas Ng mga saksak na tumatagos sa malambot na laman Na hatid pawang walang kasintinding sakit At kamatayan Katawan dito. Katawan doon. Ng mga peryodista,brodkaster,mamahayag,abogado, ina,ama,asawa,kapatid at anak Walang awang pinagtatapon. Ibinaon. Karumal-dumal na krimen Pilit pinagtakpan Ng mga buwitreng Nag-aastang panginoon Kaya- Paano ko titingnan Ang iyong kabundukan Na hindi marinig alingawngaw Kanilang mga hiyaw? Paano maibalik Dating kata...