Skip to main content

Posts

Showing posts with the label poetry

Pag-iisang Dibdib

Tahimik ang gabi Piping nangugusap Bawat galaw ng mga dahon Naglalambing sa dampi ng masuyong hangin   Dama patak ng hamog Sa mga dahon ng punong-kahoy Habang mahigpit na nakatiklop Mga talutot ng bulaklak Nakikinig,mabining sumasayaw Kaulayaw ng hanging mapanghalina   Mukhang nahimbing ang daigdig Mga alalahanin at pagkabalisa Pansamantalang naipahinga At kamalayan ay pumaalinlang   Nagtatagpo dalawang kaluluwa Nagsanib puso at kamalayan Ipinagdiwang pag-iisang dibdib Pag-iisa ng mga kaluluwa   Sabay na naglawig Nagpapalaot sa mga alon ng mga ala-ala Unang pagtatagpo, unang pagsinta Binabalikan mga yugto nagluwal ng pagsasama Nang pag-iisa   Saksi ang buwan Mga bituin sa kalangitan Ang mga panganorin Nakikipagsaya, nakiisa Maging ang ulan ay nagpaubaya Buong gabi hinayaan buwan at mga tala Magningning, kikislap ng kaysaya May mga salitang namutawi sa mga labi Subalit...

Ode to Lebanon

How can I be so unfeeling How can I be so insensitive When I am just near Yet, I haven’t noticed your suffering I even talked to you I wonder if you hear me When you are full of sadness When you are full of pain Then I noticed your coldness Everyday you withdraw from me You have lost the luster And before my very eyes you wither away Deaf to my pleas Of coming back Frantically, I brought you back From where your spirit hide To forever escape my scrutiny To never feel abandoned and uncared By a mere mortal like me… My despair turned to anguish You have given me many chances Yet, I was reckless Never learned my lessons Now, you are just a limp And withered body A mummy of my old Lebanon. Forgive me. P.S. I am still deluding myself in hoping That one day you will smile again A tiny flicker of leaf will sprout From your wasted body...

Oda sa mga lumisan na kaibigan

Puso’y nanimdim Diyata’t mga kaibigan Sa mundo ng mga buhay Unti-unting lumisan Una,si Tatay Boning Di tunay na ama Subalit sa akin Nais maging… Pangalawa,si Manong Jun Katulad ni Tatay Boning Isang inspirasyon Sa mga katulad ko At marami pang iba Nais makibaka magkaroon Ng mundong masagana, Mapayapa at Malaya Ngayon, si Bai Helen Isang ina at asawa Iilang beses lamang nakasalamuha Ngunit naaninag ko na Katapatan, mababang kalooban At matiim na paniniwala sa kanyang maylikha Pinaubaya sa amin kanyang tahanan Naging pugad ng pagmamahalan at pundasyon Ng kanyang pamilya Kay ikli ng panahon Kayo ay naging bahagi ng buhay Parehong iginupo ng kanser Inyong mga katawang lupa Subalit kayo ay nanatiling matatag Hindi alintana sariling sakit Upang inyong mahal sa buhay Gabayan kahit sa gitna ng dalamhati Sa inyo,mga kaibigan Isang ma...

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Paghihintay

Nababalot sa dilim ng kalungkutan Pusong tumigas sa kalamigan Hinahanap sa kaibuturan Saysay ng paglalakbay Sabin i PN Nanatili ang kabutihan Sa kalooban ng bawat isa Hindi ito nawawala Kahit nalulunod Pilit umaalpas Sana magbalik muli Huni ng liwanag At aawit mga himnong Magdudulot ng saya Sa bawat nagluluksang kaluluwa 2:21PM 7/7/09 dc

Ang Dalawang Tatay

Sa gitna ng maalikabok Mausok na kalsada At naghaharutang sasakyan Nakita kita Ulo’y yukong-yuko Balikat na nanlulumo Pinupulot sumambulat na dala-dala Isa, ang plastik na baunan Pangalawa, dalawang gulay na upo Pangatlo, di ko na makita kung ano Nagmamadali kasi mga kilos mo Di magkandatuto Pagligpit ng mga ito Sa kupasing bakpak nakasukbit sa likod mo. Nang tumingala Mukha ay puno ng pagsusumamo Pilit ngumiti, Humingi ng pang-unawa, paumanhin Sa mamang nasa likod ng manibela Ng magarang kotse Muntik sumagasa sa iyo. Ilang segundo rin Tila tumigil ang ikot ng mundo Eksenang nakwadro sa isipan Ngunit sa isang iglap Naglaho,napalitan Rumaragasang mga sasakyan At ako’y naalimpungatan. Sa sulok ng aking mga mata Nakikita ko naman si Tatang Selecta Tingin napabaling sa kanya, nagtaka Dati-rati siya ay nakangiti Kumakaway, sumisipol Kasabay sa magiliw na musika Sa tangan na paninda. Ngunit ngayon ay naiiba Wala ang dating ngiti sa mga labi Imbes sa...

Oda sa Isang Magsasaka Syentista

Huwaran ka Na Ama at asawa Maging sa mga kaibigan At kakila Ika’y inspirasyon Ng marami Magsasaka, mga guro, estudyante At mga katulad ko na patuloy natuto sa paaralan ng buhay Salamat sa iyong pagmamahal sa kalikasan Salamat sa iyong kaalaman Salamat sa walang sawang pagpaintindi At pagbabahagi nito ninuman Salamat sa pagiging kabahagi Ng aming buhay Salamat sa pagiging kabahagi Ng sektor na bumubuhay sa lipunan Sa marami ikaw si Tatay Jun o Manong Jun Paalam,kaibigan at kasama… Sa iyo,kami ay sumasaludo 13 Mayo 2010, Kutang Bato

Ode to a Comrade 2

You set the path, not only for me But for many of us, My steps were tentative Unsure how to proceed. You led us gently, Giving a little prod if need be. I was one of the impulsive ones, Yet, you managed to make us tow the line Through soft but firm reminders. Together we climbed mountains, Carefully threading treacherous trails. Crowing our triumphed upon reaching the top Though our happiness was short-lived, As we took the degradation around us. Some nights we would sat down in circle with others, Either sharing our poetry, Or simply basking in the glow Of the flickering bonfire And warmth of friendship With kindred souls gathered Under moonlit and starry skies Frolicking to the beat of “tam-tams” and “kubing” Which, even my timid self could not resist Far from our homes You introduced me To our many families In the midst of the poor, Who are far more richer in spirit They opened not only their homes But as well as their hearts In them, we found, ...

Awit ng Rupeke

Sumayaw at humuni rin ang rupeke. Sa haba ng panahon na ito’y nanahimik Muling narinig ang kanyang malamyos na himig Nakipaglaro sa hangin Nakikisabay sa mabining indayog ng mga dahon Ng Kawayan,ng mga balete, ng banyan at ng molave Marahil alam nito Nagdadalamhati aking puso Pagpanaw ng isang kaibigan O di kaya’y ito’y nagising Sa matagal na pagkahimbing Dahil pinukaw ng kapwa rupekeng maririkit. Anuman nagbunsod nito, Maraming Salamat. Dulot mo ay ngiti sa aking mga labi Saya’t pananabik sa hapis na kaluluwa. 12:53 ng tanghali, 18 Pebrero 2010, Kutang Bato