Skip to main content

Awit ng Rupeke



Sumayaw at humuni rin ang rupeke.


Sa haba ng panahon na ito’y nanahimik
Muling narinig ang kanyang malamyos na himig
Nakipaglaro sa hangin
Nakikisabay sa mabining indayog ng mga dahon
Ng Kawayan,ng mga balete, ng banyan at ng molave

Marahil alam nito
Nagdadalamhati aking puso
Pagpanaw ng isang kaibigan

O di kaya’y ito’y nagising
Sa matagal na pagkahimbing
Dahil pinukaw ng kapwa rupekeng maririkit.

Anuman nagbunsod nito,
Maraming Salamat.
Dulot mo ay ngiti sa aking mga labi
Saya’t pananabik sa hapis na kaluluwa.


12:53 ng tanghali, 18 Pebrero 2010, Kutang Bato

Comments

Popular posts from this blog

Oda sa mga lumisan na kaibigan

Puso’y nanimdim Diyata’t mga kaibigan Sa mundo ng mga buhay Unti-unting lumisan Una,si Tatay Boning Di tunay na ama Subalit sa akin Nais maging… Pangalawa,si Manong Jun Katulad ni Tatay Boning Isang inspirasyon Sa mga katulad ko At marami pang iba Nais makibaka magkaroon Ng mundong masagana, Mapayapa at Malaya Ngayon, si Bai Helen Isang ina at asawa Iilang beses lamang nakasalamuha Ngunit naaninag ko na Katapatan, mababang kalooban At matiim na paniniwala sa kanyang maylikha Pinaubaya sa amin kanyang tahanan Naging pugad ng pagmamahalan at pundasyon Ng kanyang pamilya Kay ikli ng panahon Kayo ay naging bahagi ng buhay Parehong iginupo ng kanser Inyong mga katawang lupa Subalit kayo ay nanatiling matatag Hindi alintana sariling sakit Upang inyong mahal sa buhay Gabayan kahit sa gitna ng dalamhati Sa inyo,mga kaibigan Isang ma...

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Masalay

Masalay,Ampatuan,Maguindanao Malaparaiso ka kung tingnan Napapalibutan ng luntiang kabundukan Datapwat kabahagi ka rin Ng lupaing ninuno ng mga tribung Teduray-Lambangian Napakalawak ng abot ng paningin Habang nakatayo sayong bulubundukin Tila hinihele sa mapang-akit na sayaw ng mga talahib At malamig na samyo ng hangin- Subalit noong Nobyembre 23,2009 Pinunit ang iyong katahimikan- Ng mga hiyaw at palahaw ng pagsusumamo Ng ratatat ng mga makapangyarihan na armas Ng mga saksak na tumatagos sa malambot na laman Na hatid pawang walang kasintinding sakit At kamatayan Katawan dito. Katawan doon. Ng mga peryodista,brodkaster,mamahayag,abogado, ina,ama,asawa,kapatid at anak Walang awang pinagtatapon. Ibinaon. Karumal-dumal na krimen Pilit pinagtakpan Ng mga buwitreng Nag-aastang panginoon Kaya- Paano ko titingnan Ang iyong kabundukan Na hindi marinig alingawngaw Kanilang mga hiyaw? Paano maibalik Dating kata...