Skip to main content

Ang Dalawang Tatay

Sa gitna ng maalikabok
Mausok na kalsada
At naghaharutang sasakyan
Nakita kita

Ulo’y yukong-yuko
Balikat na nanlulumo
Pinupulot sumambulat na dala-dala

Isa, ang plastik na baunan
Pangalawa, dalawang gulay na upo
Pangatlo, di ko na makita kung ano
Nagmamadali kasi mga kilos mo
Di magkandatuto
Pagligpit ng mga ito
Sa kupasing bakpak nakasukbit sa likod mo.

Nang tumingala
Mukha ay puno ng pagsusumamo
Pilit ngumiti,
Humingi ng pang-unawa, paumanhin
Sa mamang nasa likod ng manibela
Ng magarang kotse
Muntik sumagasa sa iyo.

Ilang segundo rin
Tila tumigil ang ikot ng mundo
Eksenang nakwadro sa isipan
Ngunit sa isang iglap
Naglaho,napalitan
Rumaragasang mga sasakyan
At ako’y naalimpungatan.

Sa sulok ng aking mga mata
Nakikita ko naman si Tatang Selecta
Tingin napabaling sa kanya, nagtaka
Dati-rati siya ay nakangiti
Kumakaway, sumisipol
Kasabay sa magiliw na musika
Sa tangan na paninda.

Ngunit ngayon ay naiiba
Wala ang dating ngiti sa mga labi
Imbes sa nakasanayang pagpapadyak
Sa kanyang bisekletang panlako
Ng panindang sorbetes
Si Tatang Selecta ay buong bilis
Patakbong nagtulak sa bisekleta tangan ang sorbetes
Pilit nakisabay
Sa bilis ng mga sasakyan
Sa kalsadang binabagtas

Iyon pala
Siya ay napagitna
Dalawang sasakyang magagara
Humahagibis sa kalsada.


ika-4 ng Setyembre 2007
Alas-onse biente ng Umaga
Siyudad ng Iligan

Comments

Popular posts from this blog

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Goodbye 2017, Hello 2018

2017 passed me by. It has ended before I managed to fully take stock of my life and happenings around me. It went through like a whirlwind, leaving me stun and hanging… The past year maybe a whirl but it leave its footprints. And what footprints they were. Marawi crisis, martial law in Mindanao, militarization, IP killings and systematic attacks on our democratic rights not to mention natural disasters. On the   personal level, I made more connection with my family, contributed to a collaborative book, distance myself from the noise of the "outside world" and spend more time grounding and immersing myself in communities of struggles. While I was struggling to make sense of my life, the world has not stopped to help me figure it out. It clawed at me, waking me up from my stupor. I have already figured out a long time ago that I cannot live for myself alone. I cannot be someone with no accountabilities nor only think of mysel. The past couple of years have been that. A...

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy   sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato