Piping nangugusap
Bawat galaw ng mga dahon
Naglalambing sa dampi ng masuyong hangin
Dama patak ng hamog
Sa mga dahon ng punong-kahoy
Habang mahigpit na nakatiklop
Mga talutot ng bulaklak
Nakikinig,mabining sumasayaw
Kaulayaw ng hanging mapanghalina
Mukhang nahimbing ang daigdig
Mga alalahanin at pagkabalisa
Pansamantalang naipahinga
At kamalayan ay pumaalinlang
Nagtatagpo dalawang kaluluwa
Nagsanib puso at kamalayan
Ipinagdiwang pag-iisang dibdib
Pag-iisa ng mga kaluluwa
Sabay na naglawig
Nagpapalaot sa mga alon ng mga ala-ala
Unang pagtatagpo, unang pagsinta
Binabalikan mga yugto
nagluwal ng pagsasama
Nang pag-iisa
Saksi ang buwan
Mga bituin sa kalangitan
Ang mga panganorin
Nakikipagsaya, nakiisa
Maging ang ulan ay nagpaubaya
Buong gabi hinayaan buwan at mga tala
Magningning, kikislap ng kaysaya
May mga salitang namutawi sa mga labi
Subalit lalong marami yaong hindi nasasabi
Nasa kaloob-looban
Piping naramdaman
Nang dalawang pinag-iisang nilalang
Mga tugtog ng mga tambol
Huni ng mga plawta, ng kubing
Ng gitara
Ito ang musika
Na naghahatid kakaibang indayog
Sa bawat galaw, sa bawat sayaw
Bawat kumpas, bawat kilos
Sa saliw ng katutubong musika
Ay isang pagtanggap
Selebrasyon ng buhay
Ng pag-iisa
Ng pagsasama…
Pag-iisang itinakda ng panahon
Pagsasamang nakaukit sa mga pahina
Ng tala ng buhay
Bawat pagluwal
Sa bawat panahon at yugto ng buhay
Kaluluwa ay nabubuhay
ngayon, tanaw ko ang iyong anino
ReplyDeletekagaya ng dati at mukhang mamalagi-
aninong nakadikit sa lupa
at kasabay sa mga paglalakbay...
banayad na hanging humalik sa pisngi ng rupeke
ang iyong pagdating- tahimik lang
na dumaan- naghatid ng musika..
palaging ma-iingat...