Tahimik
na muli ang puso
Ang mga
lungkot at pagkabalisa
Dahan
dahan na rin humupa
Ito'y
bukas na muli
Yumakap
sa mundong pinili
Kasama
mga nilalang
Tinalikuran
ng lipunan.
Ang mga
agam-agam
Natutulog
lamang
Pansamantala
nahimbing
Maaring
magising
At sa
puso't diwa
Manligaligalig
Malulungkot
muli
Lulubog
sa kaibuturan
Ng
lungkot at pighati
Maglulunoy sa kumunoy nito
Hayaang
balutin ang kabuuan
At
lamunin nito.
Pagkatapos
ng unos at ligalig
Sa pagitan ng mga buntong hininga
Huhugot ng tatag at tapang
Sa kaibuturan
Sa kaibuturan
At sa mga kasamang mandirigma
Sasagupa muli sa mga pakikibaka.
Sasagupa muli sa mga pakikibaka.
August18,2018
10:28am
Kutang
Bato
Comments
Post a Comment