Tahimik ang gabi Piping nangugusap Bawat galaw ng mga dahon Naglalambing sa dampi ng masuyong hangin Dama patak ng hamog Sa mga dahon ng punong-kahoy Habang mahigpit na nakatiklop Mga talutot ng bulaklak Nakikinig,mabining sumasayaw Kaulayaw ng hanging mapanghalina Mukhang nahimbing ang daigdig Mga alalahanin at pagkabalisa Pansamantalang naipahinga At kamalayan ay pumaalinlang Nagtatagpo dalawang kaluluwa Nagsanib puso at kamalayan Ipinagdiwang pag-iisang dibdib Pag-iisa ng mga kaluluwa Sabay na naglawig Nagpapalaot sa mga alon ng mga ala-ala Unang pagtatagpo, unang pagsinta Binabalikan mga yugto nagluwal ng pagsasama Nang pag-iisa Saksi ang buwan Mga bituin sa kalangitan Ang mga panganorin Nakikipagsaya, nakiisa Maging ang ulan ay nagpaubaya Buong gabi hinayaan buwan at mga tala Magningning, kikislap ng kaysaya May mga salitang namutawi sa mga labi Subalit...
Comments
Post a Comment