Mamamayang binaon sa limot Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Nagsumikap buhay ay mapaunlad Kahit kinalimutan ng estadong Siyang nararapat mangangalaga Maraming beses na inalispusta Sa lipunan itinatwa Sila daw ay mangmang at walang alam Kaya't lupain kinamkam At buhay man kinitilan Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit bumabangon At namuhay ng payak at may dignidad Kahit sa limot pilit binabaon Sa loob ng kanilang mga kumunidad Na ilang henerasyon Minana sa kanilang mga ninuno Kultura, tradisyon, panininwala At sariling pagpapasya ay nilagom Subalit, Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Pilit hinihiwalay Ng mga armado at militar Maging ng mga batas na nagtatanggal Sa kanilang pagkakakilanlan at karapatan Sa kanilang lupaing ninuno. Darating ang araw Sila na ang buhay ay karugtong ng lupa Ay babalikawas sa kinalugmukan Kamao ay itaas At lalaban Sa mapang- api at mangangamkam. *Ang tulan