Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2018

Alaala ng Kahapon

Ayaw kitang alalahanin Matagal na kitang limot Nagpatuloy na sa pag inog Mundo na dati tinawag na atin Ngunit, Sa tuwina,may munting mga bagay Sa akin nagpapaalala Katulad na lamang ni Sting Una sa Pransya,ngayon naman sa Alemanya Ni hindi ko alam kanyang mga kanta Ngunit sa kanyang "fields of gold" Hinila pabalik sa iyo... Ang mga maiikling mensahe Nanghahalina Sa mga munting bagay dati pinagsasaluhan Pinapaala dating samahan Maging mga kumportable  At di kumportableng katahimikan Sa pagitan ng bawat Paghigop at paglagok ng kape Sayo na matamis At akin na mapait... Maging ang tala at buwan Kahit liwanag ay aandap andap Sa gitna ng taglamig at tag ulan Pilit nagliliwanag Upang puso at katawang balot sa lamig Nabibigyan ng init Katulad ng dati Ngiti hatid sa aking labi.. Maari nga na ikaw ay kalahati ng kaluluwa Kahit sa malayo,kahit di nakikita Kaulayaw ng gunita Ngunit- Hanggang dito na nga lang