Skip to main content

Alaala ng Kahapon

Ayaw kitang alalahanin
Matagal na kitang limot
Nagpatuloy na sa pag inog
Mundo na dati tinawag na atin

Ngunit,

Sa tuwina,may munting mga bagay
Sa akin nagpapaalala
Katulad na lamang ni Sting
Una sa Pransya,ngayon naman sa Alemanya
Ni hindi ko alam kanyang mga kanta
Ngunit sa kanyang "fields of gold"
Hinila pabalik sa iyo...

Ang mga maiikling mensahe
Nanghahalina
Sa mga munting bagay dati pinagsasaluhan
Pinapaala dating samahan
Maging mga kumportable 
At di kumportableng katahimikan
Sa pagitan ng bawat
Paghigop at paglagok ng kape
Sayo na matamis
At akin na mapait...

Maging ang tala at buwan
Kahit liwanag ay aandap andap
Sa gitna ng taglamig at tag ulan
Pilit nagliliwanag
Upang puso at katawang balot sa lamig
Nabibigyan ng init

Katulad ng dati
Ngiti hatid sa aking labi..

Maari nga na ikaw ay kalahati ng kaluluwa
Kahit sa malayo,kahit di nakikita
Kaulayaw ng gunita

Ngunit-

Hanggang dito na nga lang siguro
Mga kaluluwa'y maaring mag-ugnay
Subalit mga landas
Hindi na kailangan magtatagpo.

Aachen,Alemanya
18:47 ng gabi
27 Marso 2018

Comments

Popular posts from this blog

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Sa Dako Pa Roon

Ilang sangang daan kailangan tatahakin Ilang bundok kailangan akyatin Ilang karagatan kailang tawirin Upang ika'y marating...? Ang puso'y bulag na naghahanap At ang kaluluwa'y tigmak ng pananabik At pag- alala Ikaw kaya ay madatnan....? Sa dako pa roon ng aking paglalakbay Sa pag-iisa Tila tukso sa gunita Pinupuno ang puso ng agam agam Natatakot sumuong sa lambong Ng bukas Ikaw kaya madatnan...? Sa dako pa roon... Sa dako pa roon... Umaasa na di lamang ika'y masilayan Kundi ang matagal na hinanahanap at sa wakas hihimlay sa kandungan Ng kalayaan....

Invitation to a Prayer Vigil in Solidarity to the Subanen of Midsalip and for Peace Mission to Carmen and Kabacan,North Cotabato

Dear Friends, The Mindanao Peoples' Peace Movement (MPPM) Zamboanga Peninsula Cluster is currently organizing a delegation that will do a prayer vigil in solidarity to the Subanen of Midsalip, Zamboanga del Sur. This Subanen community is threatened with the entry of MMEC mining firm formerly the Geotechniques and Mining Inc (GAMI). Should any friends and allies want to join the group, you may contact Ms. Tanie Suano at 09196919686. On another front, MPPM will also join in the peace mission that will start tomorrow in Carmen and Kabacan,North Cotabato on the recent clashes between the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Moro National Liberation Front (MNLF). For those interested to join, you may contact Mr. Romy Saliga of the Lumad Development Center at this number: 09195089759. Alternatively, you may also contact the Secretariat of MPPM at this number: 064-4211358 begin_of_the_skype_highlighting                   064-4211358         end_of_th