Nawalang ng pag-asa. Nagsawalang-kibo. Nanahimik. Napipi. Ang delubyong Digong. Sinabayan pa ng veerus Humihigop sa katinuan. Nakakabahala. Nakakabaliw. Kaya- Pinili na magluksa. Ibaon sarili sa lumbay. Magpanday ng pader ng Kawalang-bahala. Pumili ng ibang kaulayaw- Sa piling ng mga halamang ligaw Sa mga basurang tinatapon. Sa mga walang pumapansin Natuyot na mga dahon Sa mga uod na kinakatakutan At kinasusuklaman. Sila’y iniintindi Binigyan ng puwang. Mga punlang inalayan ng panahon Unti-unting nagigising. Sa bawat talutot, Paglantad ng mga munting dahon Bawat pamumulaklak Sinasamyo halimuyak. Mga muni-muni’y Sinasaliwan ng mga himig Nina idol Gary, Koyang Jess Kasamang Seph at iba pa. Pusong nanlalamig ay pinapainit Ng umuusok at mapait na kape Nang mga magsasakang Wao Pinapasarap sa tagaktak ng pawis Ilang oras na pagsangag ni Markus. Sa pag-iisa, naririning at nanunuot sa kamalayan- Mga hinagpis Nina Titay Cio, Tim B, ng mga Fintailan at kabataan at ibang mga kasamang Lumad Haba