Nawalang ng pag-asa.
Nagsawalang-kibo.
Napipi.
Ang delubyong Digong.
Sinabayan pa ng veerus
Humihigop sa katinuan.
Nakakabahala.
Nakakabaliw.
Kaya-
Pinili na magluksa.
Ibaon sarili sa lumbay.
Magpanday ng pader
ng Kawalang-bahala.
Pumili ng ibang kaulayaw-
Sa piling ng mga halamang ligaw
Sa mga basurang tinatapon.
Sa mga walang pumapansin
Natuyot na mga dahon
Sa mga uod na kinakatakutan
At kinasusuklaman.
Sila’y iniintindi
Binigyan ng puwang.
Mga punlang inalayan ng panahon
Unti-unting nagigising.
Sa bawat talutot,
Paglantad ng mga munting dahon
Bawat pamumulaklak
Sinasamyo halimuyak.
Mga muni-muni’y
Sinasaliwan ng mga himig
Nina idol Gary, Koyang Jess
Kasamang Seph at iba pa.
Pusong nanlalamig ay pinapainit
Ng umuusok at mapait na kape
Nang mga magsasakang Wao
Pinapasarap sa tagaktak ng pawis
Ilang oras na pagsangag ni Markus.
Sa pag-iisa,
naririning at nanunuot sa kamalayan-
Mga hinagpis
Nina Titay Cio, Tim B, ng mga Fintailan
at kabataan
at ibang mga kasamang Lumad
Habang kanilang pamayanan inaatake.
Sobrang nadarama-
Mga pangungulila nina Jen at ng aking mga kapatid
Habang nawalay sa pamilya
Mga pangamba ng mga pamangkin na nagbibinata
Sa mga gamundong pagbabago sa buhay nila.
Habng mga agam-agam ay lumalalim-
May mga sandaling nagbibigay ng mapusyaw na liwanag.
Sa mga panaka-nakang pag-uusap
Sa mga kwentong malikhain
Ni KT’ng paslit
Inukit
Mundong pinangarp
Para sa kanya, kay Yol
At ng iba pa na katulad nila.
Muli,
Kaluluwa’t puso,
Maging kamalayan,
Nagising.
28 Hunyo 2020
PC
Comments
Post a Comment