Skip to main content

Posts

Bulong sa Gitna ng Pandemya

 Nawalang ng pag-asa. Nagsawalang-kibo. Nanahimik. Napipi. Ang delubyong Digong. Sinabayan  pa ng veerus Humihigop sa katinuan. Nakakabahala. Nakakabaliw. Kaya- Pinili na magluksa. Ibaon sarili sa lumbay. Magpanday ng pader ng Kawalang-bahala. Pumili ng ibang kaulayaw- Sa piling ng mga halamang ligaw Sa mga basurang tinatapon. Sa mga walang pumapansin Natuyot na mga dahon Sa mga uod na kinakatakutan At kinasusuklaman. Sila’y iniintindi Binigyan ng puwang. Mga punlang inalayan ng panahon Unti-unting nagigising. Sa bawat talutot, Paglantad ng mga munting dahon Bawat pamumulaklak Sinasamyo halimuyak. Mga muni-muni’y Sinasaliwan ng mga himig Nina idol Gary, Koyang Jess Kasamang Seph at iba pa. Pusong nanlalamig ay pinapainit Ng umuusok at mapait na kape Nang mga magsasakang Wao Pinapasarap sa tagaktak ng pawis Ilang oras na pagsangag ni Markus. Sa pag-iisa, naririning at nanunuot sa kamalayan- Mga hinagpis Nina Titay Cio, Tim B, ng mga Fintailan at kabataan at ibang mga kasamang Lumad Haba
Recent posts

Sa Pagitan ng mga Patlang

Sa pagitan ng mga patlang May mumunting sundot ng ngiti at tuwa Habang nakatunghay sa malamig na umaga Nababalot ng hamog ang kapaligiran Habang araw ay buong tapang Nagsaboy ng kanyang init Kahit hindi gaanong sumisigid sa kaibuturan Dama ang puno ng pagmamahal at pagpapala Sa puso ay pumukaw Nagdudulot ng ngiti sa mga labi Habang puso at kaluluwa Pinupunan ng init at pandama Salamat sa magandang umaga. Nakahimpil na trein, Schipol, NL 9:16 ng umaga 6 Oktubre 2018

Hanap

 Hinahanap hanap iyong mga labi at bisig Hayaang ito ang mangungusap Sa mga piping saloobin Di mabigyang laya Nitong bibig,ngunit kimkim ng dibdib Hinahanap hanap ang iyong mga haplos at yakap Upang pawiin mga pagkabalisa Dulot ng iba't-ibang alalahanin Sa tuwina naghatid ng ligalig Hinahanap iyong mahinahong bulong Nagpapayapa sa mga sigalot Sa kaibuturan Upang mga ito payapain. Hinahanap. Hinahanap hanap. 24 Agosto 2018 8:11PM Kutang Bato

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy   sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato

Ode to Mornings

...I listened to the murmurs of early morning the call to prayers of nearby mosques the sound of pots and pans clanging soon the sizzles of garlic and onion with their enticing smell spiced the air ...and through my window I see the tell tale signs of the sun slowly rising up the horizon majestically claiming its place bathing the Rio Grande with its soft warm glow as if to signal the boatmen to ferry eager people to start their day ...for a moment, time stood still then the loud engine of the small boats cut through the stillness of the water disturbing its placidity as its water sluiced through the cluster of water hyacinths dotting the expanse as if shooing it away ...then everything burst into a bustle of activity and so has this soul with a sleepy but contented smile burrowed deep into the mundane rhythm of everyday life. ...Cotabato has awaken to another new day. 20 August 2018 9:10AM, Cotabato City

Kanlungan

Nais ko na kumanlong sa iyong mga bisig Magtago sa magulong mundo Pansamantalang huhugot ng lakas Upang sa muling pagbalikwas Muling matapang at matatag. 11 Agosto 2018 1:21AM IC