Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2010

Masalay

Masalay,Ampatuan,Maguindanao Malaparaiso ka kung tingnan Napapalibutan ng luntiang kabundukan Datapwat kabahagi ka rin Ng lupaing ninuno ng mga tribung Teduray-Lambangian Napakalawak ng abot ng paningin Habang nakatayo sayong bulubundukin Tila hinihele sa mapang-akit na sayaw ng mga talahib At malamig na samyo ng hangin- Subalit noong Nobyembre 23,2009 Pinunit ang iyong katahimikan- Ng mga hiyaw at palahaw ng pagsusumamo Ng ratatat ng mga makapangyarihan na armas Ng mga saksak na tumatagos sa malambot na laman Na hatid pawang walang kasintinding sakit At kamatayan Katawan dito. Katawan doon. Ng mga peryodista,brodkaster,mamahayag,abogado, ina,ama,asawa,kapatid at anak Walang awang pinagtatapon. Ibinaon. Karumal-dumal na krimen Pilit pinagtakpan Ng mga buwitreng Nag-aastang panginoon Kaya- Paano ko titingnan Ang iyong kabundukan Na hindi marinig alingawngaw Kanilang mga hiyaw? Paano maibalik Dating kata

Ang Dalawang Tatay

Sa gitna ng maalikabok Mausok na kalsada At naghaharutang sasakyan Nakita kita Ulo’y yukong-yuko Balikat na nanlulumo Pinupulot sumambulat na dala-dala Isa, ang plastik na baunan Pangalawa, dalawang gulay na upo Pangatlo, di ko na makita kung ano Nagmamadali kasi mga kilos mo Di magkandatuto Pagligpit ng mga ito Sa kupasing bakpak nakasukbit sa likod mo. Nang tumingala Mukha ay puno ng pagsusumamo Pilit ngumiti, Humingi ng pang-unawa, paumanhin Sa mamang nasa likod ng manibela Ng magarang kotse Muntik sumagasa sa iyo. Ilang segundo rin Tila tumigil ang ikot ng mundo Eksenang nakwadro sa isipan Ngunit sa isang iglap Naglaho,napalitan Rumaragasang mga sasakyan At ako’y naalimpungatan. Sa sulok ng aking mga mata Nakikita ko naman si Tatang Selecta Tingin napabaling sa kanya, nagtaka Dati-rati siya ay nakangiti Kumakaway, sumisipol Kasabay sa magiliw na musika Sa tangan na paninda. Ngunit ngayon ay naiiba Wala ang dating ngiti sa mga labi Imbes sa

Oda sa Isang Magsasaka Syentista

Huwaran ka Na Ama at asawa Maging sa mga kaibigan At kakila Ika’y inspirasyon Ng marami Magsasaka, mga guro, estudyante At mga katulad ko na patuloy natuto sa paaralan ng buhay Salamat sa iyong pagmamahal sa kalikasan Salamat sa iyong kaalaman Salamat sa walang sawang pagpaintindi At pagbabahagi nito ninuman Salamat sa pagiging kabahagi Ng aming buhay Salamat sa pagiging kabahagi Ng sektor na bumubuhay sa lipunan Sa marami ikaw si Tatay Jun o Manong Jun Paalam,kaibigan at kasama… Sa iyo,kami ay sumasaludo 13 Mayo 2010, Kutang Bato

Ode to a Comrade 2

You set the path, not only for me But for many of us, My steps were tentative Unsure how to proceed. You led us gently, Giving a little prod if need be. I was one of the impulsive ones, Yet, you managed to make us tow the line Through soft but firm reminders. Together we climbed mountains, Carefully threading treacherous trails. Crowing our triumphed upon reaching the top Though our happiness was short-lived, As we took the degradation around us. Some nights we would sat down in circle with others, Either sharing our poetry, Or simply basking in the glow Of the flickering bonfire And warmth of friendship With kindred souls gathered Under moonlit and starry skies Frolicking to the beat of “tam-tams” and “kubing” Which, even my timid self could not resist Far from our homes You introduced me To our many families In the midst of the poor, Who are far more richer in spirit They opened not only their homes But as well as their hearts In them, we found,