Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2016
Wild flower A wild flower grows not in the wilderness but in the midst of a concrete jungle outwardly it looks part of the natural landscape it's heart beats for all the creatures and beings around it yet, each day it looks up and around seeming to look for something else its eyes probing wondering... among these beating hearts and souls will  there be someone who will beat in tandem with this wild flower. 27 Oct. 2016 C.C.
Star light,star bright Tonight i look up at the skies With a light heart Tonight my heart soar free A smile touch my lips Somehow,sometime Another soul touch mine Maybe not as deeply Yet,stir it from its frozen state… Star light,star bright Thank you for your sparkle tonight You awaken this soul of mine Hopefully when i look up Next time Your sparkle will be reflected In my eyes Ti ll my heart. Fillux eco village resettlement site Iligan 6th october 2016 11:41PM
Nagbabadyang Halimaw Malalakas ang patak sa bubong Mapagpalang tubig Tumitighaw sa uhaw ng tigang na lupa at halaman tumatagos sa mga bato sa mga ugat sa ilalim ng lupa. Subalit- Kapag ika'y magpapatuloy Iyong mga patak Ay aapaw sa mga daan, sa mga pusaling nababara ng nakatambak na mga basura Ika'y patuloy na dadaloy at aapaw mga kalsada Maging iyong agos Galing sa mga kabukiran Dahan-dahang bababa sa kalungsuran Habang ika'y patuloy na papatak Takot ay guguhit sa mga dibdib ng mamamayang maralita nakatira sa mga mababang lugar nasa gilid ng mga batis at ilog baka ika'y muling maging halimaw at lalamunin lahat nasa iyong daanan. Fillux Eco-Village Sendong Resettlement Site Siyudad ng Iligan 3 Oktubre 2016
Paghihintay  Nais isipin na ito ay masaya na araw... Kaulayaw mga nilalang Ninais makapiling subalit di alam kung sa paglalakbay nga ay makakasabay maaring hindi maaring maari... anuman, panahon lamang makapagsasabi. samantala, ako ay ngingiti kasama ng araw na marikit at mga bituing kumikindat maging ng mahinhin na buwan. ako'y matiyagang maghihintay sa iyong pagdating. 3 oktubre 2016 kagawasan,p.c.