Skip to main content
Nagbabadyang Halimaw

Malalakas ang patak sa bubong
Mapagpalang tubig
Tumitighaw sa uhaw
ng tigang na lupa at halaman
tumatagos sa mga bato
sa mga ugat
sa ilalim ng lupa.

Subalit-

Kapag ika'y magpapatuloy
Iyong mga patak
Ay aapaw
sa mga daan,
sa mga pusaling nababara
ng nakatambak na mga basura

Ika'y patuloy na dadaloy
at aapaw mga kalsada
Maging iyong agos
Galing sa mga kabukiran
Dahan-dahang bababa sa kalungsuran

Habang ika'y patuloy na papatak
Takot ay guguhit
sa mga dibdib
ng mamamayang maralita
nakatira sa mga mababang lugar
nasa gilid ng mga batis at ilog
baka ika'y muling maging halimaw
at lalamunin
lahat nasa iyong daanan.

Fillux Eco-Village
Sendong Resettlement Site
Siyudad ng Iligan
3 Oktubre 2016

Comments

Popular posts from this blog

Oda sa mga lumisan na kaibigan

Puso’y nanimdim Diyata’t mga kaibigan Sa mundo ng mga buhay Unti-unting lumisan Una,si Tatay Boning Di tunay na ama Subalit sa akin Nais maging… Pangalawa,si Manong Jun Katulad ni Tatay Boning Isang inspirasyon Sa mga katulad ko At marami pang iba Nais makibaka magkaroon Ng mundong masagana, Mapayapa at Malaya Ngayon, si Bai Helen Isang ina at asawa Iilang beses lamang nakasalamuha Ngunit naaninag ko na Katapatan, mababang kalooban At matiim na paniniwala sa kanyang maylikha Pinaubaya sa amin kanyang tahanan Naging pugad ng pagmamahalan at pundasyon Ng kanyang pamilya Kay ikli ng panahon Kayo ay naging bahagi ng buhay Parehong iginupo ng kanser Inyong mga katawang lupa Subalit kayo ay nanatiling matatag Hindi alintana sariling sakit Upang inyong mahal sa buhay Gabayan kahit sa gitna ng dalamhati Sa inyo,mga kaibigan Isang ma...

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Masalay

Masalay,Ampatuan,Maguindanao Malaparaiso ka kung tingnan Napapalibutan ng luntiang kabundukan Datapwat kabahagi ka rin Ng lupaing ninuno ng mga tribung Teduray-Lambangian Napakalawak ng abot ng paningin Habang nakatayo sayong bulubundukin Tila hinihele sa mapang-akit na sayaw ng mga talahib At malamig na samyo ng hangin- Subalit noong Nobyembre 23,2009 Pinunit ang iyong katahimikan- Ng mga hiyaw at palahaw ng pagsusumamo Ng ratatat ng mga makapangyarihan na armas Ng mga saksak na tumatagos sa malambot na laman Na hatid pawang walang kasintinding sakit At kamatayan Katawan dito. Katawan doon. Ng mga peryodista,brodkaster,mamahayag,abogado, ina,ama,asawa,kapatid at anak Walang awang pinagtatapon. Ibinaon. Karumal-dumal na krimen Pilit pinagtakpan Ng mga buwitreng Nag-aastang panginoon Kaya- Paano ko titingnan Ang iyong kabundukan Na hindi marinig alingawngaw Kanilang mga hiyaw? Paano maibalik Dating kata...