Naaninag muli ang iyong anino
Maging ang iyong mga bakas
Dati sinusubaybayan
kahit sa malayo
Di alam bakit
Nangulila muli
Sa iyong mga ala-ala
Gayong ito
Pinalaya.
Siguro nga
Mga alaala
Di tuluyang naglalaho
Ito ay nakabaon
Sa kamalayan
Maging sa kaibuturan.
Di bale.
Dating gawi.
Ang buwan, mga tala
Mga panganorin
Ang takipsilim at bukang-liwayway
Sila muli
Kaibigan.
Kaulayaw.
Kasabay sa bawat higop ng kape
At musika ni Gary
maging ng Rosas ng Digma.
Ngingiti.
Bubulong sa hangin
Sa akin naglalambing.
Maraming salamat, Kasama.
2:58 ng hapon
ika 9 ng Nobyembre
ADMU
Comments
Post a Comment