Hindi na ramdam
Ang dating init at lagablab
Ng puso at diwang nakikibaka
Tila ba sinabuyan ng tubig
At ibinaon sa yelo
Dating naghihimagsik na kaluluwa
Ngayon, ito'y tila malabnaw
Na sumisigaw
Wala ang dating sigla
At sidhi ng pagnanais na umalpas
Sa mapang alipusta.
Tila nahihimbing
Gayong hindi naman tulog
Nakakadama,
Pero halos di natitinag
Umaalpas, subalit puso'y manhid.
Gayunpaman, naghihintay
Damdamin ay muling mapukaw
Sidhi ng pagbabalikwas
Muling mangingibabaw
Ngayon-
Aalagaan ang mga munting sundot
Dahan-dahang hipan ang mga uling
Hayaan na lamunin muli
Puso at kaluluwa
Sa apoy ng pakikibaka.
ika-20 ng Hunyo 2018
Mga panganorin mula gitnang pilipinas
hanggang katimugan
Ang dating init at lagablab
Ng puso at diwang nakikibaka
Tila ba sinabuyan ng tubig
At ibinaon sa yelo
Dating naghihimagsik na kaluluwa
Ngayon, ito'y tila malabnaw
Na sumisigaw
Wala ang dating sigla
At sidhi ng pagnanais na umalpas
Sa mapang alipusta.
Tila nahihimbing
Gayong hindi naman tulog
Nakakadama,
Pero halos di natitinag
Umaalpas, subalit puso'y manhid.
Gayunpaman, naghihintay
Damdamin ay muling mapukaw
Sidhi ng pagbabalikwas
Muling mangingibabaw
Ngayon-
Aalagaan ang mga munting sundot
Dahan-dahang hipan ang mga uling
Hayaan na lamunin muli
Puso at kaluluwa
Sa apoy ng pakikibaka.
ika-20 ng Hunyo 2018
Mga panganorin mula gitnang pilipinas
hanggang katimugan
Comments
Post a Comment