Salamat at nasilayan
Di lamang iisang tala
Kundi di mabilang na kislap
Muli ngiti sa aking labi
Inyong hatid
Salamat at hapdi at lungkot
Dati nadarama
Kahit paano ay napapawi
Kahit nga patlang lamang ang nadarama
Inaaninag sa kalangitan
Ang bituin
May konting lungkot
Dahil di na kilala
Nitong nilalang na dating kaulayaw
Pero alam ko, ika'y andiyan
Patuloy na kumikislap
Kasama ng ibang libong mga tala
Di man kita makilala muli
Pero may saya pa rin na dulot
Nitong pusong nangungulila
Parang nanumbalik
Ang dating bulong...
Sana kaisa ng aking kaluluwa
Saan man siya naroon
Siya ay nasa mabuting kalagayan
Ang aming landas kaya ay magtatagpo...?
O di kaya'y nakatadhana
Kami ay magkaiba ang landas...?
Sana nakasulat sa mga pahina ng tala ng buhay
Pagtatagpo at pag-iisa
Kundi man ito mangyari
Sana bawat isa ay maging makabuluhan
Ang buhay dito sa mundong ibabaw...
8 Hulyo 2016
Bendum, Bukidnon
Di lamang iisang tala
Kundi di mabilang na kislap
Muli ngiti sa aking labi
Inyong hatid
Salamat at hapdi at lungkot
Dati nadarama
Kahit paano ay napapawi
Kahit nga patlang lamang ang nadarama
Inaaninag sa kalangitan
Ang bituin
May konting lungkot
Dahil di na kilala
Nitong nilalang na dating kaulayaw
Pero alam ko, ika'y andiyan
Patuloy na kumikislap
Kasama ng ibang libong mga tala
Di man kita makilala muli
Pero may saya pa rin na dulot
Nitong pusong nangungulila
Parang nanumbalik
Ang dating bulong...
Sana kaisa ng aking kaluluwa
Saan man siya naroon
Siya ay nasa mabuting kalagayan
Ang aming landas kaya ay magtatagpo...?
O di kaya'y nakatadhana
Kami ay magkaiba ang landas...?
Sana nakasulat sa mga pahina ng tala ng buhay
Pagtatagpo at pag-iisa
Kundi man ito mangyari
Sana bawat isa ay maging makabuluhan
Ang buhay dito sa mundong ibabaw...
8 Hulyo 2016
Bendum, Bukidnon
Comments
Post a Comment