Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato
poetic man ni kaayo oi. in fairness, nice pagkakuha sa rose...
ReplyDeleteWhat a nice flower. Where did you find it?
ReplyDeleteJakob
It's the lone white rose in your garden:-)
ReplyDelete