Ilang sangang daan kailangan
tatahakin
Ilang
bundok kailangan akyatin
Ilang
karagatan kailang tawirin
Upang
ika'y marating...?
Ang
puso'y bulag na naghahanap
At ang
kaluluwa'y tigmak ng pananabik
At pag-
alala
Ikaw kaya
ay madatnan....?
Sa dako
pa roon ng aking paglalakbay
Sa
pag-iisa
Tila
tukso sa gunita
Pinupuno
ang puso ng agam agam
Natatakot
sumuong sa lambong
Ng bukas
Ikaw kaya
madatnan...?
Sa dako
pa roon...
Sa dako
pa roon...
Umaasa na
di lamang ika'y masilayan
Kundi ang
matagal na hinanahanap
at sa
wakas hihimlay sa kandungan
Ng
kalayaan....
Comments
Post a Comment