Skip to main content

Sisid





Ika'y pumapalaot sa kalawakan
Pumapaimbulog sa mga ulap
Ng paghihimagsik at pakikibaka
Kasabay ng mga kasama
Na puso'y puno ng alab
Sa pagbabagong sinisinta

Sa inyo'y nakatingala
Umaasang sa inyong paglipad ay nakakasabay
Subalit habang kayo'y patuloy na pumapaimbulog
Ako naman ay lalong sumisid
Sa kailaliman ng dagat
Pilit inaarok ang lalim nito

Ngunit bakit sadyang ito'y di  abot
At ako'y nalulunod sa hampas ng mga alon
Pilit humuhulagpos
Subalit nababaon

Sa pagtingala
Nasulyapan, isang malaking ibon
Na mga kukong matatalim
Napuno ng pangamba ang puso
Subalit tila nahipnotismo
At inabot mga kamay dito....

Nais kong ako'y iyong saklutin
Agawin sa kuko ng mapangahas na ibon
Isama sa inyong paglipad
Sa kalawakan
At mamayani muli
Sa puso at diwa
Apoy ng pakikibaka.

Baler,Aurora
1:54 ng hapon
11 ng Setyembre 2013

Comments

Popular posts from this blog

Goodbye 2017, Hello 2018

2017 passed me by. It has ended before I managed to fully take stock of my life and happenings around me. It went through like a whirlwind, leaving me stun and hanging… The past year maybe a whirl but it leave its footprints. And what footprints they were. Marawi crisis, martial law in Mindanao, militarization, IP killings and systematic attacks on our democratic rights not to mention natural disasters. On the   personal level, I made more connection with my family, contributed to a collaborative book, distance myself from the noise of the "outside world" and spend more time grounding and immersing myself in communities of struggles. While I was struggling to make sense of my life, the world has not stopped to help me figure it out. It clawed at me, waking me up from my stupor. I have already figured out a long time ago that I cannot live for myself alone. I cannot be someone with no accountabilities nor only think of mysel. The past couple of years have been that. A...

Sa Pagitan ng mga Patlang

Sa pagitan ng mga patlang May mumunting sundot ng ngiti at tuwa Habang nakatunghay sa malamig na umaga Nababalot ng hamog ang kapaligiran Habang araw ay buong tapang Nagsaboy ng kanyang init Kahit hindi gaanong sumisigid sa kaibuturan Dama ang puno ng pagmamahal at pagpapala Sa puso ay pumukaw Nagdudulot ng ngiti sa mga labi Habang puso at kaluluwa Pinupunan ng init at pandama Salamat sa magandang umaga. Nakahimpil na trein, Schipol, NL 9:16 ng umaga 6 Oktubre 2018

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso Ang mga lungkot at pagkabalisa Dahan dahan na rin humupa Ito'y bukas na muli Yumakap sa mundong pinili Kasama mga nilalang Tinalikuran ng lipunan. Ang mga agam-agam Natutulog lamang Pansamantala nahimbing Maaring magising At sa puso't diwa Manligaligalig Malulungkot muli Lulubog sa kaibuturan Ng lungkot at pighati Maglulunoy   sa kumunoy nito Hayaang balutin ang kabuuan At lamunin nito. Pagkatapos ng unos at ligalig Sa pagitan ng mga buntong hininga Huhugot ng tatag at tapang Sa kaibuturan At sa mga kasamang mandirigma Sasagupa muli sa mga pakikibaka. August18,2018 10:28am Kutang Bato