Skip to main content

Pangulila



Sa iyong pagdating at kusang pag alis
Dala’y tuwa at lumbay
Sa saglit na ikay makapiling at kaulayaw
Katumbas ay panglaw ng paghihiwalay

Siya nga ika’y mabining dumadating
Ngunit bawat pag alis sa pusoy tumitining
Tinatak sa isipan
Sa tuwing aalis, ika’y babalik

Subalit dadating ang unos
Bagyong kasing tayog
Tayo’y malulunod

Pagtila ng higanteng alon
Akoy andito pa rin
Nakaantabay sa muling pagdating

Umaasang ang amihan
Sa iyo
Maghahatid muli sa akin…

Gumasa
31 Enero 2015


Comments

Popular posts from this blog

Last Autumn Bloom

Woke up to a chilly morning As night and day seemed to tug at each other Peered through the frosty window pane There in the flickering light of autumn dawn A lone white rose is in bloom… 13 october 2010  Alkmar,Netherlands

Pag-iisang Dibdib

Tahimik ang gabi Piping nangugusap Bawat galaw ng mga dahon Naglalambing sa dampi ng masuyong hangin   Dama patak ng hamog Sa mga dahon ng punong-kahoy Habang mahigpit na nakatiklop Mga talutot ng bulaklak Nakikinig,mabining sumasayaw Kaulayaw ng hanging mapanghalina   Mukhang nahimbing ang daigdig Mga alalahanin at pagkabalisa Pansamantalang naipahinga At kamalayan ay pumaalinlang   Nagtatagpo dalawang kaluluwa Nagsanib puso at kamalayan Ipinagdiwang pag-iisang dibdib Pag-iisa ng mga kaluluwa   Sabay na naglawig Nagpapalaot sa mga alon ng mga ala-ala Unang pagtatagpo, unang pagsinta Binabalikan mga yugto nagluwal ng pagsasama Nang pag-iisa   Saksi ang buwan Mga bituin sa kalangitan Ang mga panganorin Nakikipagsaya, nakiisa Maging ang ulan ay nagpaubaya Buong gabi hinayaan buwan at mga tala Magningning, kikislap ng kaysaya May mga salitang namutawi sa mga labi Subalit...