Ngayong
gabi
Dito sa apat na sulok
Dito sa apat na sulok
Ito ang
kabuuan ng ating mundo
Sa piling
ng makukulay na obra
At mga
talinghaga
Gising
ang kamalayan
Maging
ang pandama
Kinikilala
ang isa't isa
Inaarok
ang nadarama
Sa
mapusyaw na ilaw
At
nakakahipnotismong patak ng ulan
Maging
hanging pilit makikiisa
Sa apat
na sulok
Ibinahagi
Mga
dalamhati
Alalahani't
mga kaba
Mga saya
at tuwa
Maliliit
na tagumpay
Sa mga pakikibaka
Sa mga pakikibaka
Kapwa nag alay ng dalangin
Sana
bawa't isa
Babantayan
at pagpalain
Mapagkalingang
kamay
Ng
sansinukob.
Sa
panandaliang pag-iisa
Ng
damdamin at kamalayan
Pansamantalang
idinugtong
Mga
landas na di tahasang nagtatagpo
Kahit nga
patutunguhan ay maaring iisa
Sa apat
na sulok
Panatag
Nahimlay
sa bisig ng bawat isa
Nakahanap
ng kakampi at kasama
Sa mga
bulong at haplos
Sa mahihigpit na yakap.
Maging hawak ng mga kamay.
Ito'y ipinapaabot.
Subalit,
Dito sa
apat na sulok
Mundo'y
manatili
Katulad
ng magandang panaginip.
Kahit na
gustuhing muling mahimbing
At
panaginip ay balikan.
Ito'y di
na mahagilap.
10:30ng
umaga
5 ng
Agosto 2018
Bayan ng
Pagadian
Comments
Post a Comment