Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2016
Pagluluksa Ilang beses tastasin ang mga sugat di lubusang naghihilom pinahiran pa ng asin at inebre upang muling kumirot at magnanaknak Diyatat, mga taong uhaw at ganid sa kapangyarihan di magkasyang sambayanan nangisay sa kinalugmukan nais pa na pitpitin at apakan upang muli di makabangon at pilit ipinabaon sa limot kanilang kawalanghiyaan Hayok sa kapangyarihan Magnanakaw sa kaban ng  bayan Berdugo. Mangingitil ng buhay. Ninakaw pati hustisya sa mga biktima ng diktadurya Ngayon, muling panakaw tumakbo at sa lupang libingan mga katawan at ala-alala ng mga nag-alay ng buhay para sa bayan pilit nakisiksik at sarili man pinarangalan bilang bayani. Pumaalinlang Mga tangis at palahaw Sambayanang sinupil noon. Susupilin muli ngayon. Ngunit pagkatapos ng mga luha. Ng kirot, ng hapdi Ng pag-alipusta Sambayanan babangon sa kinalugmukan. Kailanman hindi na pagagapi. 2:42 ng hapon ika-18 ng Nobyembre 2016 Q.C.
Balik-Tanaw 2 Mukhang nahihibang Maging kanta ni Billy Joel Bigla pumukaw Sa isang magandang nakaraan Ang mga kanta Ni Gary, Noel, Joey Ng Patatag Ng Rosas ng Digma Ni JT Ni Billy Joel At ng iba pa. Malalim, mababaw. Ang mga tula Bunsod ni Pablo Neruda At ng mga makata Sa kanilang mga titik at pangungusap Nagdadala gaya ng mga kanta Himig ng pag-iisa, Paghihimagsik Pakikibaka. Mga pangyayari Kaguluhan Nakakatuwa. Nakakalungkot. Nakakapag-isip. May mga walang kwenta. Basta lang. Mga paglalakbay Sa itaas ng mga panganorin. Sa mga talahiban. Sa mga batis. Sa mga sementadong gubat. Sa mga pawas. Sa ilalim ng buwan at mga tala. Bumabalik muli Muling napangiti. Ahhh, kailangan balikan. At makipagkasundo. Sa nakaraan. 11:07 ng umaga ika-16 ng Nobyembre Q.C

Snippets of Inspiration

This morning I was walking along Kalayaan Avenue, engrossed with thoughts of how to give flesh to a project paper due the next day. I have had trouble concentrating with so many disappointing events in and outside the country amidst other concerns. Yet, something caught my eyes cutting through the morass of my musings. I passed through this area so many time and never noticed the green vegetation hanging on the wall. Or, maybe I noticed the potted plants. But, what I didn't noticed were the other plants seemingly similar to the others, yet different. With my myopic eyes I peered closer. What I saw made me smile. There are vegetables planted in containers popularly known as container urban gardening. The space is quiet narrow, yet, whoever planted these vegetables maximimized the small space and made use of urban container gardening technology. I peered at all the green vegetables: alugbati, string beans, kamote tops, pechay, mustard, ampalaya, patola, and malunggay. Some o

Balik-Tanaw

Naaninag muli ang iyong anino Maging ang iyong mga bakas Dati sinusubaybayan kahit sa malayo Di alam bakit Nangulila muli Sa iyong mga ala-ala Gayong ito Pinalaya. Siguro nga Mga alaala Di tuluyang naglalaho Ito ay nakabaon Sa kamalayan Maging sa kaibuturan. Di bale. Dating gawi. Ang buwan, mga tala Mga panganorin Ang takipsilim at bukang-liwayway Sila muli Kaibigan. Kaulayaw. Kasabay sa bawat higop ng kape At musika ni Gary maging ng Rosas ng Digma. Ngingiti. Bubulong sa hangin Sa akin naglalambing. Maraming salamat, Kasama. 2:58 ng hapon ika 9 ng Nobyembre ADMU
Mananangis na lang ba...? Naririnig mga hikbi Paisa-isa, palakas ng palakas Hanggang sa maging mga palahaw Hiyaw ng hinagpis at pagdurusa. Noon- Marami sa mahal sa buhay nawala Naglaho na parang bula Di mahagilap pagkatapos dakpin ng mga taong bibit ay sandata. Marami ang pinarusuhan Kinulong sa madilim na kulungan Tinortyur.. Nilapastangan katawang lupa at higit na ang diwa  at kaluluwa Ng mga kabataan, pari, madre, guro, magsasaka, mangagawa at iba. Mga mukhang walang pangalan. Tanging kasalanan: Pilit umalpas sa mga kadenang gapos ng pang-aapi at pang-alipusta Ng diktadoryang gahaman sa kapangyarihan at karangyaan. Libo-libong buhay ang kinitil. Libo-libong buhay ang nawala. Milyon-milyong buhay sinira. Maging ng mga isisilang pa. Ngayon- Multo ng kahapon Sa sambayanang hati Ay humahabol Pilit winawaksi Sa kolektibong diwa ang sugat at pilat ng madilim na kahapon Upang sambayanang nasa bingit ng limot Magkaisa at sugat tuluyan ng maghihilom
Berdugo Araw araw may bumulagta Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Minsan sampu Minsan higit pa Bago pa man matapos Isang buwan Bilang ay kahindik hindik na ng mga nakahandusay At tinatapon sa mga pusali at  kanal Kalimitan mga nakabulagta Mga tatay, asawa, kasama na sa araw araw nagbabanat buto upang mabuhay kahit sa isang kahig at isang tukang pamumuhay Minsan ang nakahandusay at nakabulagta Isang nanay, asawa at kaagapay sa buhay Ng mga maralitang taga lungsod pilit nakikisabay sa agos ng buhay May mga panahon nakabulagta at nakahandusay mga kabataan at mga batang paslit Nagsisimula pa lamang sa buhay kung saan itong gyera sa kanilang pangalan inaalay para sa kanilang magandang bukas Ngunit silang lahat binawian na ng buhay At marami pa ang kasunod Habang ang mga berdugong uhaw sa dugo at bulag na sumusunod sa Panginoong may hawak ng kapangyarihan Hindi pa nagsasawa. Marami pa ang bubulagta Walang buhay. 10:30 ng umaga 7 Agosto 2016 QC